Suko na ko sa inefficiency ng postal service ng Pilipinas. Grabe! Mag-da-dalawang buwan na hindi pa rin dumarating yung pinadala kong mga papeles para sa visa application ng mga magulang ko.
Hindi lang ngayon nangyari to. Two years ago, nagpadala din ako ng mga papeles at inabot ng ilang buwan bago natanggap yung mga dokumento. Dahil sa bagal, nagpadala na lang uli ako sa kaibigan ko na umuwi noon sa Pilipinas.
Hindi na "snail mail" ang maitatawag sa postal service ng Pilipinas, "sloth mail" na and with all due respect to the animal which I'm sure will detest being compared to the inept people of the Philippine post office.
3 comments:
LOL -- natawa ako sa last paragraph.
talaga lang...nag email pa ko sa customer service para mag complain nila ayun awa ng Diyos wala man lang sagot maski kapirangot...di kaya kunwari lang yung email ad sa customer service nila? Hmmm...
Feeling ko, Mars, chika lang yun, as is usual sa Pinas.
P.S. Read your comment on my blog. Sige na, iblog mo na yung Aussie version ng blog post ko about Pinoy encounters, hehe.
Post a Comment