Thursday, December 18, 2008

Manila, We're Coming Home

In less than 12 hours, we'll be on our way to Manila to celebrate Christmas! Di bale nang masakit sa bulsa ang pamasahe dahil peak season, makapag-Pasko lang sa 'Pinas.

Christmas in the Philippines is very festive and appeals to the senses. Walang katulad ang Pasko sa Pinas - mga parol na nakasabit sa mga bintana o pintuan ng mga bahay maliit man o malaki; mga namamasko di bale nang mali-mali ang lyrics at masakit sa tenga ang pagkanta; at syempre ang Simbang Gabi na kakambal na ang mga nagtitinda ng kakanin. Natakam nga ako sa puto bumbong at bibingka nung napanood ko sa Bandila yung segment nila sa umprisa ng Simbang Gabi. Where we live, a neighboring parish has been celebrating Simbang Gabi held at 5 am for some years now and it wouldn't be surprising to know that Filipinos are behind it.

Sa ngayon, nakahanda na akong humarap sa katakot-takot na trapik, siksikan, at malagkit na pawis, pero mas lalong handa na akong balikan ang mga pagkaing na-miss ko. Pero hight sa lahat, excited na akong makita ang mga kamag-anak at kaibigan ko.

1 comment:

Ricky said...

Hi Peachy!

I am Ricky(tondo)I hope you still remember me? we met you when you're
still studying in PNC,ok tagalugin ko na baka bumaluktot ng todo ang english ko,base ka na pala sa Australia with your family,anyway
I am here in New York married with a 10 year old daughter...cute naman ng mga kids mo,I know you'll say mana sayo he, he anyway til here muna & best regards to your husband & kids...

Ricky
P.S I see you have a very interesting research you're currently working on..goodluck!